Anong Meron Sa Section ko Where I Belong?
When you are entering another chapter of your life, after graduated from a wacky, happy, memorable high school life, nakakakaba di ba?? College life, is really big different from high school. Pressure dito, projects doon, research sa kabila, deadline na sa isang subjects…….at kung anu-ano pa..
When I was enrolled lastMay 2008„ nakita ko na kaagad kung anong section ako.„ CS/IT1.1A„ hindi ko alam kung sinu-sino at anu-anong ugali meron ang mga magiging classmates ko.. Baka may maarte, mayabang, moody, mapag-isa, at marami pa.
And now„ nakilala ko na sila….. Eventhough transferee ako at hindi ko sila totally ka-age, masasabi ko na kaya ko ng ipaliwanag kung sino ba sila..
2nd sem.. first sem
We’ve decided na kami-kami pa rin kahit second sem na.. We’re enrolled in section CS/IT1.2A.. Sa totoo lang kung papansinin mo kami, hindi kami tulad ng ibang section na buong grupo talaga, pero masasabi mo naman na iba naman ang saya kapag nagtitripings na. May mga kanya-kanyang grupo, at binibuo kami ng apat na grupo.., namely Dota Boys„ tropang Governor’s Grill„ Girlfriends„ at Tropang Hagdan.
Unahin natin ung Dota Boys!!!!!!„Eto ung grupo na obviously mga lalake„ kaya nga Dota Boys eh„.. Sila ung grupo na makahanap lang ng time na makapag-computer, on the go na sila,.. Kulang na nga lang pati sa computer laboratory naming eh magdota na rin sila.. Sila din ung laging may naamoy na hindi maganda tuwing COPRO,sa laboratory. Bakit nga ba alam na sila ung nakakaamoy?? Kasi tamang sumbong din sila sa prof naming haha.. hanggang ngayon„habang ginagawa ko to„ hindi ko pa naming alam kung ano ung naaamoy nila at sino ang salarin…. Ano nga kaya yun?? Baka alam mo..bulong mo na lang!!!!
Sunod naman ung tropang Governor’s Grill.!!! Kung dumadaan kayo sa Aguinaldo Highway, malamang pamilyar kayo o alam ninyo kung anong lugar ung Governor’s Grill.. meron din kami niyan„ dun kasi hango ung pangalan ng tropa nila.,dun kasi past time nila.. Sino naman ang tropang ito?? Katulad ng dota boys„ panay lalaki din sila. Kung masasalubong mo sila, mukha silang binatang-binata dahil sa katangkaran ng mga to.. pero take look closely, at kilalanin mo sila„ may pagka-isip bata din sila. Karamihan sa kanila kapag pumasok ng room, laging may nakasalpak na headset sa tenga„.. music trippers din kasi..Sila din yung grupo na kapag vacant time laging naglalaro ng PSP (pink pa nga eh haha). Sa kanila nagmula ang mga salitang “Kuya„!! Wala ng kaning baboy”(para sa mga late)„”wag kang mainis” (para panabla sa taong kausap)„ “panget at gwapo” (para sa pangaasar at pagbubuhat ng bangko)…
Pagkatapos natin kilalanin ang mga lalake.. pagusapan naman natin ang mga kababaihan…
Girlfriends!! Isa sa dalawang tropa ng mga babae.. First semester„ nung nagkaroon ng celebration ung STI for 25th anniversary sa Star City, kinabukasan nun malalaman mo kung sinu-sino ang tropang Girlfriends.. Because their identity„ID holder na kulay pink na may nakalagay na “girlfriends”. Kaya kahit maraming babae sa room, alam mo kung sino at hindi member ng tropang to,. Sayang nga lang kasi ngayon hindi na nila sinusuot. And I don’t know what is the reason behind. Huwag na natin ungkatin pa,. Sila yung grupo na nagaantayan sa canteen every morning bago sabay-sabay pumsok sa skul. Eto yung tropa na maingay na tahimik. Bakit?? Kasi masarap sila kasama pero pagdating na sa room hanggang ngiti na lang sila at tahimik. Sila yung kalog, may pagmisteryoso, minsan lang gumala at pasaway din naman..
Last group. Tropang Hagdan.. Nakakatuwa isipin na kaya sila tinawag na tropang hagdan dahil lahat ng picture nila, asa may hagdanan ng STI„ lahat ata ng hagdan dun, ginamit na sa pictorial.. At kapag nagaantay ng oras, takbuhan ang hagdan.. Eto yung tropa na mahilig tumawa, mantrip, magkwentuhan, magbulungan at higit sa lahat maingay. Silayung mahilig magyaya manuod ng sine, kumaen sa kabilang kanto ng queck-queck at pumapak ng mais, gusto lagi bonding..
Iba-iba man trip ng bawat ng tropa ng section na kinabibilangan ko, pero eto masasabi ko, mantrip man isa sa kanila kayang saluhin ng lahat,. Bumato man ng matinding salita isa sa kanila, lahat makakgets at lahat magrereact. Mukha man kaming watak-watak, pero kapag kailangan magtulungan, lahat magkakandaugaga para kumilos„ mukha man pasaway. Kapag kailangan magseryoso„mukha man nakakatawa, seryoso naman lahat. Mainit man ang ulo ng lahat sa pagod, bumanat lang ang isa, mawawala na yan.
Ganito man ang sistema ng buhay ng section A, I’m looking forward na sana kami kami-kami pa rin hanggang huli.. Aaminin man natin o hindi, iba na ung nakasanayan. Iba ung trip na alam mo na kung paanu sakyan. .. Magulo, pasaway, panay trip, may katigasan ang ulo,maingay, kalog, iba iba man ugali ng bawat isa„ section A is always sectionA, kami kami pa rin sana hanggang huli..
-Mga Iba Pang Eksena!
Ø“First sem, for final project for our NSTP„ pinagperform na lang kami ng stage play like what we watched on SM Dasma, and take note sa haba ng stage play na kailangan gawin. Ginawa lang naming ito, practice and doing, assigning props just in one day before the kailangan iperform. And we do it great naman at hindi halata na isang araw lang ginawa lahat.”
Ø“I’m proud to say that we won as first place in documentation sa NSTP, and first place din in multimedia category, in same subject„_(last March2009)..back to back champion!!!! First time na nanalo iisang section in 2 categories in first place, sa STI-Dasma!!!”
“NOW..I am a 4th year college..kami kami pa rin ang magkakasama..May mga nagbago man sa mga orihinal na grupo na yan..masasabi ko na sila pa rin yung mga taong unang nakilala ko,.Mga taong nagpasaya at nagbigay ng kulay sa college life ko..At alam ko na sila rin yung mga tao na makakasama kong magmamartsa habang nakasuot ng itim na toga..Kahit anong mangyari..”BSIT2008-A is always be the best.. “…
